Kakaiba ang Wednesday ko. Isipin mong merong tatlong araw, Tuesday, Wednesday at Thursday. I-imagine mong dumaan yang tatlong yan nang hindi ka natutulog? Ganyan ang nangyari sakin kahapon, parang tatlong araw na walang tulog sa dami ng nangyari, pero sa totoo, isang Wednesday na napakahaba lang. Paano nga ba hindi hahaba, gising ako mula umagang umaga, hanggang hating gabi. Hindi ako nagbabasa no, may nangyayari talaga saking totoo, hindi bilang isang mambabasa, bilang Bianca. Ano ko addict?
.
As usual, kaya maaga ako gumising kapag Wednesday, may painting na naman. Tinuloy ko lang yung nakaka-depress na nude painting na mula lang sa leeg hanggang sa kalahati ng hita. Sabi ko na nga ba ang baboy ng pagkakulay dun sa babang parte, parang binudburan ng titanium white at kinalat ng walang malinaw na patutunguhan ang pintura. Akalain mo, mukhang ulap ang balat. Pero since tuyo na naman, napatungan ko na ng katanggap-tanggap na flesh tone yung nakakasukang kulay violet sa katawan. Nalinis ko na yung panting, tapos dumating si kuya, uh, hindi ko maalala yung pangalan niya. Nagsisimula sa letter E. Eloy? Basta, magaling na painter din. Nakakatuwa, siya pala ang figure painter ng Antipolo, at dahil pintor siya ng Antipolo, mahiyain at pa-low-profile pa siya. Ganun naman sila lahat sa Antipolo eh, low profile daw. Pero wag ka, may magazine akong nakita pag dating niya, ang cover, painting niya. Ha, akalain mo, low profile pala ha. :) Nakita ko pa, may feature tungkol sa kanya. Meron din akong nakitang libro ng pencil figures, nagpaxerox na nun ang maraming tao. Si Kuya Eloy, meron na din yun, pero ang lolo nung libro, yung original, kay Sir Andy. =)) Kumalat na sa buong Antipolo at kung saan saan pa ang xerox copy nung libro. Nung High School si Kuya Eloy, yun ang pinakang nagturo sa kanya, at kahapon lang niya nalaman na galing pala kay Sir Andy yun. Regalo ng isang teacher sa New Guinea nung nandun pa siya, ang swerte naman.
.
Pagkatapos ko dun sa babaeng walang tinatago, gumawa ako ng landscape. Background at rough outline lang ang nagawa ko kasi aalis na daw kami. Gawa sa Viridian Hue, Pthalo Blue, at white lang ang back ground. Brillant red, ochre, at light green naman yung mga bato sa tabi tabi. Bahala na pag natuyo, tsaka ko na lang siya gagawin.
.
Dadaanan namin si Bem na kaibigan ni Trisha sa may Ever, kaya sa Junction kami dumaan. Pupunta silang Megamall para bumili ng AFC. Kadugaan, tapos ako ayaw payagan. Monday, Wednesday at Friday ng umaga ang painting ko. Monday to Friday ng hapon ang SEP. Tuesday, Thursday, Saturday at Sunday ng umaga ang AFC, napaka perpekto. Pero bakit ganun? Ayaw nila ko payagan, papatayin ko daw ang sarili ko sa pagod. Kung papatayin ko naman ang sarili ko sa pagod, malalaman ko yun. Pero sa tingin siguro nila, naiinggit lang ako kay Trisha. Potris na. Nauna pa ko sa kanya, Grade 7 pa kami nag-plano nun ni Nela. Pero dahil kung ikaw ang naunang manghingi sa pamilya na to, hindi ibibigay sayo. Kapag may sumunod, sa kanya ibibigay yun. Naalala niyo yung storya ng Game Boy? Ayun!
.
Pag daan namin sa Taytay, may mga motorcycle na nakatigil sa gitna ng daan. May isang naaksidente. Nandun pa yung tao, nandun yung katawan niya, nakahiga sa kalsada. Nakahiga ako nun, at si Trisha nakapikit. Si Mommy nagulat at natatakot, "Wag na kayong titingin, tinakpan na ulo niya, anak." Siyempre, kapag sinabi niya yun, kaming walang kamalay malay na may nangyayari, lalong titingin. Nakita ko yung mama. Tinakpan na yung ulo niya. Mga 30 minutes akong tulala. Iniisip ko yung pamilya niya. Yung buhay niya, buong buhay niya siyang nagttrabaho o nag-aaral. Mahal ng pamilya niya, pero sa isang iglap, natapos yun lahat. Iniisip ko tuloy kung anong nangyari. Kakaiba, nagdamdam ako para sa taong hindi ko kilala. Ano kayang nararamdaman ng pamilya niya ngayon? Nakakapigil ng mga gumagalaw sa tiyan yung nangyari sakin noon.
.
Nakalimutan ko na yung mama sa motor pag dating namin sa Megamall. Kailangan kaya, kung hindi matutulala ako. Nagikot kami para sa soccer shoes nung dalawa. Ang bilis lang makahanap. Sa Adidas, may magandang white at gold. Sa Nike, may magandang blue at white ata, at black. Mind made up na yung dalawa, kaya umakyat kami sa second floor at kumain ng cream puff. Kapag nakaupo ka sa lamesa ng Papa Beard (yata?), makikita mo ang skating rink. Nakita ko si Allyson. Saan ka pa? Ha. =)) Hinahanap ko si Sweet, pero hindi ko makita. Akala ko nakita ko siya, yung kasama ni Allyson, pero hindi pala siya yun. Paiba-iba spelling ng Allyson. Allison. Ano ba talaga?
.
Pero kahit na may napili na sila, pagpunta namin sa Olypic Village, dun na lang sila bumili. Tae ng, parehas. Black and lime na Adidas. Sabi nung salesman, nasa taas daw si Ken Bono. Woah. =) Tinginan kami ni Trish. Ha. Ha. Ha. Inside joke. (; Ang tagal ni Mommy bago dumating, siya magbabayad nung kay Trisha. Pag dating niya at pagkatapos niyang magbayad, kumain kami sa Pizza Hut. Hmm, hindi ko gusto yung cheesy pops. Parang kuko ng kalabaw at baboy yung maliliit na yun. Ang hirap pang kainin. (:
.
Pagkahatid kay Bem, pumunta kami kay Tita Lau sa Vista Verde dun sa may Karangalan. O Cainta? Ewan ko, basta dun sa subdivision nina Angge malapit sa Village East. Ang tagal namin dun. Mga 4:30 hanggang 11PM.
.
Ang daming nangyaring kwentuhan dun. Nagkkwentuhan si Tita Laura at Mommy, at nakikinig kami ni Trisha. Ang galing, ang dami kong nalalaman. Pero nagagalit ako sa isa nilang kaibigan na naging topic nila buong panahon na yun. Akala ko dapat pagbatiin ko si Mommy at yung babaeng yun, pero nagalit ako nung malaman ko yung totoo. Potris na lechugas na mga patatas yan. Galit na galit talaga ako. Isa siyang walang modong mapagturong witch. Isang witch na hindi ko alam na ganun pala, akala mo kaibigan, pero kapag nakatalikod ka na, ituturo niya sayo ang malaki niyang panghalo at kawaling itim. Bruhilda ka. Tigilan niya ang Mommy ko, o ako mismo ang magluluto sa pata niyang malalaki.
.
Nalaman ko din ang love story ng Mommy at Daddy ko. Parang modern fairy tale. Kilala ko lang sila bilang mag-asawa na, yung pala, napaka romance novel ng nangyari sa kanila. =)) Sisimulan ko sa pinaka umpisa.
.
Si Tita Laura, mga 14 years old siya noon, nagttrabaho sa Ate Baby niya at nag-aayos ng payroll. Tama naman lahat ng computations niya, pero pumasok si Engr. Andrew Ruiz, hawak yung mahabang rolyo ng plano sa isang kamay. Ihinampas niya sa mesa at dinemand "Sinong gumawa ng payroll?" Matangkad si Engr, ang dami daming puting buhok nun. Akala ni Tita Lau, matanda na, pano ang laki laking mama nun. Unti-unti, bumaba siya sa mesa, dinemonstrate pa nga niya sakin kagabi eh. Takot na takot yung mata. Lahat ng secretary nakatingin sa kanya. Tinanong niya "Bakit po, may mali po ba?" "Ang daming nagrereklamong kulang ang bayad nila! Pero sa bagay, paha*insert word, nakalimutan ko, pahabig yata* naman lahat eh. Kung sobra ba yun, magrereklamo sila." Yun pala, attendance talaga ang mali. Kaya ganun. Ibig sabihin nung paha*something*, papasok ang pera. Ibig sabihin, walang nawawala. Hindi makakalimutan ni Tita Lau yun, takot na takot talaga siya. Ayan na ang descrition ng tatay ko. Parang yung mga laird at knights sa mga librong binabasa namin, yung kay Mommy. Ang pinaka-napawoah ako eh yung Almost Heaven. Yun siguro ang storya ng Mommy at Daddy ko.
.
Isa dun sa mga secretary, patay na patay kay Engineer. E ang baduy baduy naman, bakit naman nagkagusto yun kay Daddy? Kataka-taka. :) Pero, hindi siya pinapansin. Sabi ni Tita Laura, ngayon alam na niya kung bakit. Ang type pala ni Engr. eh yung mga conservative, hindi conservative yung secretary.
.
Unang nakita ni Mommy si Daddy sa UST. Napatingin siya nung nag-PE sila, naisip niya, taga-Teresa yung payatot na yun ah. First year college siya nun, si Daddy ganun din, nag-aaral sa Mapua. Susunod niyang nakita si Daddy, 4th year college na yata siya o graduate na. Kasal ng tito ko, si Tito Atoy. Kapatid ni Tito Atoy si Tita Rose, kabarkada ni Mommy si Tita Rose kaya nasa kasal siya. Andun din si Daddy kasi pinsang buo niya si Tito Atoy, naka barong. Naisip ni Mommy, ang ganda daw ng katawan nun. Wow. Mga September yung kasal. Nung January, may nagsabi kay Mommy, si Tito Macoy, na may gustong lumigaw sa kanya. Sino? Si Andrew, pinsan ni Atoy. Hindi ko alam kung kilala ni Mommy si Daddy nun. Sabi daw ng isang kaibigan ni Daddy, si Tito Alex, sa kanya, ligawan niya si Leng o Anna Lisa. Ayaw niya, suplada. (Yiee! :x) Pero ewan ko kung anong pumasok sa isip nun. Tinatanong ni Tita Che (pinsan ni Mommy, see other posts :p) kay Mommy kung gusto niya. Nakamangot niyang sinasagot, na parang frustrated "Che, ang baduy ah!" Baduy. Naka light-green o light-blue pants ba naman, minsan bitin pa ang polo. Si Trisha ang nagpaliwanag samin nun, kwento daw ng lola ko sa kanya "Yang Daddy niyo, napaka-bait! Kahit bitin ang polo, isinusuot pa rin niyan! Alam niyang pinaghihirapan ko ang pambili. E kayo! Nako!" Masakripisyo yang si Daddy, alam niyo ba, hindi siya nakagamit ng electric fan! College na siya nang magkaroon siya nun. Tapos, nagtitinda ng Ice Candy para magkaroon ng allowance, ayaw niyang hihingi kay Nanay Lily. =)) Advice ni Tita Laura: Wag kang mag-aasawa ng mayaman. Hanapin mo yung responsable, kasi yun ang yayan. HAHAHA. AMP. Okay, game. Hunt!
.
Nung naging si Mommy at Daddy na, sobrang strict ni Amang Anyeng (lolo, dad ni Mommy). Ang ginagawa nila, pag 7:45, lalabas sila sa kalsada, yung unang bus na dumaan, sasakay si Mommy, tapos sasakay din dun si Daddy. Aww, kilig, potek na. Woah, si Mommy, natutong mag-commute? Hindi kaya yan marunong mag-commute, tss, anak ng abogado. Typical na yan sa anak ng abogado diba? Hindi marunong mag-commute kasi hatid-sundo ng driver. Alam ng magulang nila ang dangers sa labas. Kapag uuwi na si Daddy galing sa trabaho, hindi yan sa bahay niya uuwi. Pupunta sa bakery na tinayo ni Mommy pagka-graduate. May dadating biglang tricycle na messenger ng nanay ni Daddy. "Kung nariyan po raw si Andrew ay baka raw po pwedeng umuwi muna sa bahay bago umakyat ng ligaw." Dun ako natawa. =))
.
Nag-date sila, kasama parati ang pamilya ni Aunti Gilda, at hihiwalay lang sila pag nasa lugar na. At magmemeet ulit ng 5:00PM. Nagpunta sila sa concert ni Stevie Wonder, pero kasama ang katulong nina Mommy. Bilin ng lolo ko, "Madonna! Wag mong iiwanan yang dalawang yan, kahit pabilhin ka ni Andrew ng inumin, wag mong iiwanan yan." HAHA. Funneh. Yung pinsan ni Mommy, si Tita Tess, sabi sa kanya "Pambihira ka naman Lingling, bakit si Mado pa naisama mo, bakit hindi ako?" =)) Eh kasi po, chaperone nga.
.
Hindi ko maimagine na ganyan ang magulang ko. Para talagang yung mga romance novel ni Mommy. Hay. =)) Hihihi. I have a goal, to find a responsible guy. Mag-papaka conservative na nga ako tulad ni Mommy, para makahanap ako ng tulad ni Daddy na naghahanap ng conservative at mahal na mahal ang asawa niya. Natutuwa ako sa Daddy ko. Speaking of, dumaan si Daddy sa likod ko. :) Wow. I can't belive he went into such extremes to get my Mom. Sabi ni ate Marie, baka daw catch talaga si Mommy sa Teresa nung dalaga pa siya. Matangkad, smart, etc. Kaso nga lang, suplada at anak ng abogado. Patay. Proven fact na pala yan ngayon, kasi nung nasa States ang kapatid ni Mommy, si Uncle Bong, kinwento niya kay Tito Alex na nasa States din nun "Bata pala ng kaibigan mo yun kapatid ko a." "Sino" "Si Leng." "AYOS!" Sakto. Si Tito Alex ang naghikayat kay Daddy noon diba? Pero sabi ni Daddy suplada si Mommy. Ha. ;) Akala mo lang ha. :)
.
Ang ganda ng story nila, parang modern fairy tale.
.
Gumagawa din ako ng sarili kong imaginative fairy tale. :) Hanapin niyo
dito. Stalker Knot by sugar-bianca. :> Woohoo.
.
Aalis ako ngayon, ngayon na. We're having dinner at Tito Rico's. I'm excited. Tita Laura is gonna be there and we're gonna rock the house. ;) Hihi.